Want a bigger penis?
Enlarge it At Home
Using Just Your Hands!

Tired of ads
on this site?

Male Multiple Orgasm
Discover your full Abilities!

Laughably Small Penis?
Enlarge it At Home
Using Just Your Hands!

Ang Kuwento Ni Coco - Si Aling Lydia

to cocomartindaw blog   to recent blogs

By cocomartindaw [Ignore] at 22,May,18 07:49   Pageviews: 57

Ako si Coco. Ang kuwento ko ngayon ay tungkol kay Aling Lydia, isang matandang baliw sa lugar namin at madalas siyang makikitang palakad-lakad na nakahubad sa isang kalye kung saan ako madalas nakatambay kasama ang buo kong tropa. Sa una ay matatakot ka kay Aling Lydia dahil medyo hahabulin ka niya nang konti pero hihinto lang ito at pagkatapos ay tatawa at siempre maiilang ka dahil kitang-kita mo ang kanyang kahubdan. Minsan hinabol niya ako at bigla niya akong hinaplos sa pisngi. Tulala lang akong nakatitig sa kanya at nakita ko na tumulo ang kanyang mga luha. Hindi ko alam kung bakit pero simula nang araw ding iyon ay nagtanong-tanong ako at inalam kung bakit nagkaganun si Aling Lydia hanggang sa matagpuan ko ang isa niyang kamag-anak na nakatira malapit sa creek.

"Oo nga iho, nalulungkot talaga ako kapag nakikita ko 'yang pinsan kong si Lydia." panimula ni Aling Cely.

"May isang anak 'yang si Lydia, si Angelito, isang napakabait na bata at nakapagalang. Guwapo mana sa kanyang ama." patuloy na kuwento ni Aling Cely.

"Pero nagloko ang kanyang ama, nambabae at tuluyan na silang iniwan. Naging malungkutin si Lydia pero si Angelito ang laging nagpapasaya sa kanya. Minsan uuwi si Angelito na may maraming bitbit na pagkain at regalo sa ina. Kapag tinatanong ng ina kung saan galing ang pera ay ngingiti lang ito at yayakap sa ina. Nangako si Lydia na igagapang niya ang pag-aaral ng kaisa-isang anak kaya kung ano-ano ang trabaho ang kanyang tinatanggap maibayad lang sa matrikula ni Angelito at iba pang gastusin sa eskuwelahan." malungkot na nagkukuwento si Aling Cely.

"Dumating ang araw ng graduation ni Angelito sa hayskul at siempre punong-punong ng kasiyahan si Lydia. Kasama niya ako noon at ako man ay tuwang-tuwa at sa wakas ay nagbuga ang mga paghihirap ni Lydia para sa kanyang anak.

"Inay, ito po ay para sa iyo." nakangiting sabi ni Angelito sabay abot ng diploma sa ina na noon ay walang tigil sa pagluha at nagyakap kaming tatlo.

"Gabi na halos nang matapos ang graduation ceremony. Paglabas namin sa gate ng iskul ay BANG! Tunog ng baril. Marami ang nagsigawan at ako naman ay dagliang nagtakip ng ulo gamit ang aking dalawang palad pero sandali lang at agad ako nagpalinga-linga at nakita ko na may isang binatilyong tumatakbo palayo na may hawak na sumpak. Paglingon ko ay nakita ko si Lydia na yakap-yakap ang duguang katawan ng kanyang anak. Dead on the spot si Angelito." ang maluha-luhang kuwento ni Aling Cely.

"Tatlong buwan ang lumipas ay nahuli ang pumatay kay Angelito. Ito ay ang kasintahang adik ng baklang nagkagusto kay Angelito - selos ang dahilan. Nahuli man ang salarin ay wala ng silbi ang lahat para kay Lydia dahil Sa unang araw matapos mailibing si Angelito ay wala na sa ayos si Lydia. Tulala na ito at wala na sa katinuan." patuloy na kuwento ni Aling Cely na noon ay lumuluha na.

Maya-maya ay tumayo si Aling Cely at may kinuha sa aparador. Inabot niya sa akin ang isang picture frame. Tumayo ang balahibo ko nang makita ko ang larawan ni Angelito - kamukha ko si Angelito at bigla kong naalala nang minsan akong hinaplos sa pisngi ni Aling Lydia at nang mga sandaling iyon ay kita ko sa mga mata niya at ramdam ko sa palad niya ang matinding pangungulila.

Tumingin ako kay Aling Cely at umiyak ako. Niyakap niya ako at ramdam ko ang kanyang hinagpis sa sinapit ng kanyang pinsan na si Aling Lydia. Ako naman habang lumuluha ay napaisip kung bakit kailangan mangyari ito kay Angelito at kay Aling Lydia. May mga pangyayari talaga sa mundong ito na mahirap hanapan ng kasagutan. AUTHOR : COCO

New Comment

Comments:
By marko_k [Ignore] at 26,May,18 14:09
salamat sa pagbabahagi ng kuwentong ito sa amin
Reply


By sethsuna_08 [Ignore] at 23,May,18 13:12
pwede na yang kwento, ayos naman.
Reply


New Comment




Show It Off